Nagmamahal Na Rin
by Pambatang Papuri
Album: Munting Pamana
VERSE I:
Sa kaligtasang alay Mo sa akin
At sa pag-ibig Mong hindi magbabago
Pasasalamat ko'y aking aawitin
Pagka't sa Iyo ako'y nagmamahal na rin
KORO:
Sumasamba, nagmamahal
Umaawit para sa Iyo Diyos na banal
Pagka't Ikaw noon pa ma'y nagmamahal
Mahal Kita, mahal Kita.
Nag-aalay, nagmamahal
Nagpupuri para sa Iyo Diyos na banal
Pagka't mahal Kita
Sa buhay kong ito'y minamahal Kita.
VERSE II:
Sa kabutihang alay Mo sa akin
At pagpapalang hindi mabibilang
Pasasalamat ko'y aking aawitin
Pagka't sa Iyo Poon, nagmamahal na rin
(Ulitin ang KORO)
Nag-aalay, nagmamahal
Nagpupuri para sa Iyo Diyos na banal
Pagka't mahal Kita
Sa buhay kong ito'y minamahal kita.
Praise thw lord
ReplyDeleteI miss my childhood days. This is my favourite song since I was a kid, up until now. I used to sing this in our church and school. Amen Lord!
ReplyDelete