Friday, August 24, 2018

Papuring Awit by Pambatang Papuri

Papuring Awit

by Pambatang Papuri
Album: Munting Pamana


I.
O dakila ang pag-ibig
Na ipinadama sa atin
Kung kaya't Siya'y dapat na purihin

At sa krus ipinakita
Ang dakilang pagtubos Niya
Ang lahat ibig Niyang makasama

KORO:
Awitin natin papuring awit
Pagkat Siya'y nagmamahal sa ‘ting lahat
Siya ay awitan, papuring awit
Pagkat Siya'y dakila at tapat

II.
Buhay ko'y lumigaya
Magmula nang Siya'y makasama
Kung kaya't aawitan Siya tuwina

Suliranin lulunasan
Babaguhin ka nang lubusan
Kung Siya ay iyong pananaligan
(Ulitin ang KORO 2x)

Pagkat Siya‘y dakila at tapat
Pagkat Siya‘y dakila at tapat


Thursday, August 23, 2018

Nagmamahal na Rin - Pambatang Papuri


Nagmamahal Na Rin

by Pambatang Papuri
Album: Munting Pamana



VERSE I:

Sa kaligtasang alay Mo sa akin
At sa pag-ibig Mong hindi magbabago
Pasasalamat ko'y aking aawitin
Pagka't sa Iyo ako'y nagmamahal na rin

KORO:
Sumasamba, nagmamahal
Umaawit para sa Iyo Diyos na banal
Pagka't Ikaw noon pa ma'y nagmamahal
Mahal Kita, mahal Kita.

Nag-aalay, nagmamahal
Nagpupuri para sa Iyo Diyos na banal
Pagka't mahal Kita
Sa buhay kong ito'y minamahal Kita.

VERSE II:
Sa kabutihang alay Mo sa akin
At pagpapalang hindi mabibilang
Pasasalamat ko'y aking aawitin
Pagka't sa Iyo Poon, nagmamahal na rin
(Ulitin ang KORO)

Nag-aalay, nagmamahal
Nagpupuri para sa Iyo Diyos na banal
Pagka't mahal Kita
Sa buhay kong ito'y minamahal kita.

Wednesday, August 22, 2018

Munting Pamana - Pambatang Papuri


MUNTING PAMANA


Verse I:
Ginintuang aral, kagandahang asal
Kinamulatan yan ang pina-iiral
Kahit musmos pa lamang sa mura kong isipan
Hinubog na sa aking kaalaman

Payo ni Inay, hiling ni Itay
Pagsunod sa Diyos ang susi ng tagumpay
Wag lang daw hihiwalay sa salita ng buhay
Pagkat ito'y munting pamanang taglay


KORO:
Mula sa tahanan hanggang paaralan
Maging sa pamayanan ng ating lipunan
Madisiplinang bata kinagigiliwan, di ba?

Hanggang sa paglaki, huwaran ng bayan
Puhunan ng magulang pamanang iniwan
Masunuring bata, masunuring mamamayan


VERSE II:
Kapag makulit, ugali'y masungit
Pinapalong pilit; Aray ko! Ang sakit.
Umiiyak ng saglit, bawat mali tinuwid
Kaya ngayo'y may ngiti ang langit

(REPEAT CHORUS)

La-la-la-la  La-la-la-la
Madisiplinang bata kinagigiliwan, di ba?
Hanggang sa paglaki, huwaran ng bayan
Puhunan ng magulang pamanang iniwan
Masunuring bata, masunuring mamamayan
Masunuring bata, masunuring mamamayan.