Wednesday, February 22, 2017

Tawag ng Panginoon by Pambatang Papuri

Tawag ng Panginoon


KORO:
Gumising na sa tawag ng Panginoon
Humanda na sa gawain ngayon
Gumising na, lahat tayo'y magbangon
Pagka't ngayon ay araw ng Panginoon

Ating iligpit at itago ang higaan
Ayusin ang buong katawan
Gawain para sa Kanya'y ilaan

Halina, sabay-sabay pumunta sa simbahan
Salita Niya ay ating pag-aaralan
At ang tawag Niya ay pakinggan
(Ulitin ang KORO)

Tayo ay dadalangin, tayo ay aawit
Tayo ay aawit ng papuri sa Diyos
Kahit bata pa man, Siya'y paglilingkuran 
ng buong  kalakasan

Bata Man Kami by Pambatang Papuri

Bata Man Kami

Bridge:
Bata man kami
Kami ay pakinggan
Nasa inyong harapan
Si Kristo ang dahilan
Nagsasabing si Kristo ay inyong kailangan

Ang pag-ibig ng ating Diyos
Sa akin at sa 'yo
Pag-ibig na inialay Niya
Hindi magbabago

Chorus:
Ang pag-ibig Niya ay  wagas at tunay 
Wala nang kapantay
At nang dahil dito naligtas kami 
Nang tanggapin si Kristo

May nagmamahal pa sa 'yo
Si Kristo'y katabi mo
Kumakatok S'ya sa puso mo
Pagkakataon mo na 'to

Ah Basta by Pambatang Papuri

Ah Basta

Chorus:
Ah basta, kahit na ako ay bata pa
Aawit sa Iyo ng Aleluya,
Sa aking ngiti lahat ay sasaya,
At kahit na tawanan pa,
Di ako mahihiya, ah basta.

Kay ganda ng araw, 
kay saya ng buhay
Biyaya ng Diyos sa atin ay naghihintay

Purihin Siya, purihin Siya
Tunay na dakila Siya
Pag-ibig Niya sa puso ko'y 
aking nadarama
(Repeat Chorus)

Ang sabi ni nanay
Ako'y mahal ni Kristo
Kaya't nais Paniya'y dapat lang na sundin ko

Paluin man ako ng nanay ko
Hindi ako magtatampo
Tanda ito na tunay lang na mahal ako
(Repeat Chorus)

Tuesday, February 21, 2017

Kahanga-hanga


Kahanga-hanga

KORO:
Kahanga-hanga ang iyong Pangalan
O Panginoon ng sang-kalupaan
Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan 
Sa buong kalangitan

Pinagmamasdan ko ang langit
Na gawa ng Iyong mga kamay
Ang buwan at mga bituin na
Sa langit Iyong inilagay
(Ulitin ang KORO)

O sino kaya siyang tao
Na Iyong pinagmamasdan
Ginawa Mong anghel ang katulad
Pinuno Mo ng karangalan
(Ulitin ang KORO)


Isang Munting Panalangin

Isang Munting Panalangin
Small World Children's Choir
Album: Munting Papuri

Panginoon ito ang aming alay
Sa Iyong kabanalan
Tanggapin ang aming isip, buhay at kalayaan

Sa Iyo ang aming katauhan
Pinagbuklod ng 'Yong katawan
Handog namin ang aming kalooban na sa 'Yo nagmumula

KORO:
Dakila ang 'Yong puso
Dakila Ka, O Kristo
Sambayanan, kami'y nagpupuri
Sa 'Yong dugo at katawan

Tunay ang pag-ibig mo Kristo
Liwanag ng aming puso
Awit namin ay aming alay
pasalamat sa 'ming buhay

KORO 2:
Dakila ang 'Yong puso
Dakila Ka, O Kristo
Sambayanan, kaming nagpupuri
sa 'Yong dugo at katawan